Skip to main content

Posts

Featured

Gilingang Bato

Ang Gilingang Bato ni Edgardo M. Reyes May kahulugang sa buhay ang  gilingang bato  ng kanyang ina                Walang nakaaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Ito'y nagisnan na naming magkakapatid. Ayon kay Ina, ito'y minana niya kay Impo, na minana rin naman daw ni Impo sa sariling ina nito. Sa likod niyan ay wala nang makapaglahad sa kasaysayan ng gilingang bato, maliban sa sabi-sabi na ang kalahian daw ni Ina ay kalahian ng magpuputo. Ang ina raw ni Impo ay isang mahusay na magsusuman na kinilala sa buong San Fermin at dinarayo maging ng mga tagakaratig-bayan na nagnanais magregalo o maghanda ng espesyal na suman sa kapistahan, kasalan at iba pang okasyon na may handaan.                Si Impo ay naging kabalitaan daw naman sa kanyang bibingkang sapin-sapin. At kung ang pagpuputo ay likas sa talinong namamana, si Ina ang tanging nakamana niyon pagka't sa kanilang magkakapatid, tatlong lalaki at apat na babae, siya lamang ang lumabas na magpuputo.          

Latest Posts

"Dir Jesus"